LAST UPDATE(date/time/initials) February 23, 10:22 pm, AMUJ
Hi guys,

Here's the revised plan of inquiry. Nagjumble lang ako sa classifications and nagdelete ng ibang questions. Tapos ilalagay ko na rin dito yung mga questions already taken. -Tine tine tine tine (kailangan may tunog ala horror movie :)) )

Guys, pwedeng ito yung gamiting definition ng civilized - civilization - a society in an advanced state of social development (e.g., with complex legal and political and religious organizations) from princeton dictionary ata or somewhere. ;))

KNOWLEDGE:

1. Ano ang pamantayan ng mga Kastila sa pagsabi na hindi sibilisado ang Pilipinas bago nila ito sakupin ?-Anton

Nang unang dumating ang mga Kastila sa Pilipinas, ang mga indio (katutubong Pilipino) ay mayroon nang iba-ibang antas ng pulitika, magmula sa mga simpleng grupo sa lipunan, sa mga peonage ng utang (mga amo na pinangungutangan ng katulong) at mga proto-feudal na samahan (Tribung Pinoy, n.d.). Dahil sa mga ito, nakita nila na ang lipunan ay dapat hatiin ayon sa feudal system. Dahil walang tamang sistema sa pamumuno, sila mismo ang nagsulong nito. Noon din ay nanampalataya ang mga ninuno sa mga Anito at walang tunay na relihiyon. Masasabing ang tunay na pamantayan ng mga Kastila sa pagsabi na hindi sibilisado ang Pilipinas ay ang kanilang sariling bansa. Nakita nila ito bilang magandang pagkakataon para palawakin ang kanilang pangangalakal sa ibang bansa tulad ng Mexico. Dahil higit na mausbong ang pamumuhay sa kanilang bansa, lalo na sa edukasyon at pamumuhay, ginamit nila itong dahilan para sakupin ang Pilipinas.

2. Sinu-sino ang mga unang Kastila ang nag-aral o nag-obserba ukol sa pamumuhay ng mga Pilipino noon? - jade
3. Anong klaseng pamumuhay ang kinasanayan ng mga sinaunang Pilipino? - carmi

4. Ano ang sistema ng lipunan ng Pilipino bago dumating ang mga Kastila noong 1521?-TArin



Ang komunidad ng mga naunang Pilipino ay sumusunod sa sistema ng baranggay. Ito ay binubuo ng mga iba't ibang pamilya. Upang lubusang matalakay ang Lipunan ng mga naunang Pilipino, ang pagtatalakay ay mahahati sa walo.

Posisyon sa Lipunan:
Bago dumating ang mga Kastila at sinakop ang Pilipinas, may tatlong klase sa lipunan. Ang mga maharlika ay binubuo ng pinuno ng baranggay, datu, at ang kanyang pamilya. Ang mga maharlika ang may pinakamalaking impluwensiya at mas marami siyang natatamasang karapatan at pribelehiyo na hindi natatamasa ng ibang miyembro ng lipunan. Sa mga Tagalog, ang tawag sa kanila’y Gat o Lakan, tulad ng Gat Maitan o Lakan Dula.
Ang sunod sa mga maharlika ang mga timawa. Ito ay binubuo ng mga malayang tao at mga aliping nakalaya na. Ang pinakamababang klase sa lipunan ay ang mga alipin. Nagiging alipin ang isang tao kung ang kanyang mga magulang ay alipin din, pagkatalo sa isang labanan, hindi pagbabayad ng utang o ang paggawa ng krimen. Ang mga alipin ay nahahati pa sa dalawa pang uri: ang aliping namamahay at aliping sagigilid. Ang aliping namamahay ay may sariling bahay kasama ng kanyang pamilya at pinagsisilbihan ang kayang amo kung ito ay kailangan. Ang aliping sagigilid naman ay walang pagmamay-aring kanya at naninirahan siya sa kanyang amo. Sa mga taga-Bisaya naman, ang mga alipin ay may tatlong uri: tumatabun, tumarampuk, at ayuey. Ang una ay nagtatrabaho lang kung kailan siya uutusan ng kanyang amo; ang pangalawa’y nagtatrabaho ng isang araw lamang at ang ikatatlo’y tatlong araw pagsisilbihan ang kanyang amo.

Mga Babae sa Lipunan
Ang mga babae noon ay may malaking papel na ginagampanan sa lipunan na hindi natamasa ng mga babae noong panahon ng pananakop ng mga Kastila. Sila ay may mga karapatan katulad ng sa kalalakihan. Maari silang magmana ng mga ari-arian, mangalakal ang maging pinuno ng baranggay kung walang lalaking tagapagmana. Nasa kanila din ang karapatan ng pagbigay ng pangalan sa kanilang anak. Bilang tanda ng paggalang, ang mga kalalakihan ay nasa likod ng mga kababaihan habang naglalakad.

Pagkakasal
Karaniwan para sa isang lalaking maharlika na pakasalan ang babaeng maharlika. Ngunit hindi naman itong mahigpit na sinusunod. Maaring pakasalan ng isang maharlika ang isang timawa. Upang pakasalan ng isang lalaki ang isang babae noong unang panahon, kinakailangan niyang magkaroon ng pasensya at tiyaga. Kailangan ng lalaking silbihan ang magulang ng babae ng ilang buwan o kaya ilang tao. Siya ay magtataga ng kahoy, magdadala ng tubig sa bahay at iba't ibang mga gawain. Hindi maaring kausapin ng lalaki ang babae. Maari lamang silang magtinginan. Kung sa tingin ng magulang ay nararapat na maging manugang ng mga magulang ang lalaki, papayagan na nilang magpakasal ang lalaki. Ngunit, bago magpakasal, dapat magbigay ng bigay-kaya ang lalaki na binubuo ng lupa, ginto o mga alipin. Kung hindi it makakayanan ng lalaki, kahit anong bagay na may halaga ay maaring ibigay. Kailangan din bigyan ng lalaki ang mga magulang ng salapi na tinatawag ng paghimuyat para sa pagbibigay buhay ng nanay sa babae at ang himaraw naman ay pambayad ng lalaki sa mga taong pinakain at pinalaki ng mga magulang ang babae. Meron ding salaping binibigay sa yaya ng babae. Ang tawag dito ay bigay-suso. Ang mga bayad na ito ay pinag-uusapan ng mga magulang ng babae at lalaki. Ang diskusyon na ito ay tinatawag na pamumulungan o pamamalae.

Ang kasal mismo ay naiiba depende kung saang klase nanggagaling ang kinakasal. May susundo sa babae at dadalhin sa bahay ng lalaki. Dito gaganapin ang seremonya. Sa dulo ng seremonya, sila ay magtatapon ng bigas. Sa mga timawa, hindi na ginagawa ang pagtapon ng bigas.

Pagmamana
Ang mga lehitimong mga anak ang magmamana ng mga ari-arian ng mga magulang. Ito ay pinaghahatian ng lahat ng lehitimong anak. Ang paghahati nila ay pantay-pantay pero maaring bigyan ng ibang mahalagang gamit ang paboritong anak. Kahit anong ibigay sa mga anak na hindi sinabing hindi ito kasama sa mana ay mabibilang sa manang matatanggap nila. Walang natatanggap ang mga anak sa labas. Kapag walang lehitimong anak ang ama, ang mga anak sa labas niya ang magmamana ng kanyang ari-arian.

Ang panganay na lalaking anak ng datu ang susunod sa kanya bilang datu. Kung itong panganay ay namatay na walang naiwang tagapagmana, ang pangalawang lalaking anak ng naunang datu ang susunod. Tulad ng nabanggit kanina, kung walang lalaking tagapagmana, ang babaeng anak ang magiging pinuno ng baranggay.

Pamahalaan
Ang mga baranggay ay binubuo ng 30 hanggang 100 na pamilya. Ito ay pinamumunuhan ng isang datu. Ang datu ay parang hari. Siya ang namamahala sa kanyang mga alagad. Siya ang tagapamahal, mambabatas at hukom ng baranggay. Siya rin ang heneral sa panahon ng digmaan. Kung may binigay ang datu sa mga alagad niya, ito ay dapat alagaan ng mabuti. Ang mga alagad na ito ay naglilingkod sa datu tuwing may digmaan at sa mga paglalayag ng datu. Nagbibigay rin sila ng buwis sa datu. Ang mga pamilya ng datu ay di na kailangan magbigay ng buwis.

Batas
Ang mga batas ay nakasulat o kaya'y pinapasa sa bawat henerasyon gamit ang pananalita. Ang mga batas na pinapasa gamit ang pananalita ang karamihan ng batas ng baranggay. Ang mga batas na nakasulat ay ang mga ginagawa ng mga datu kasamang ang mga nakaktanda tuwing kinakailangan ng bagong batas.
Ang mga lumalabag sa batas ay pinaparusahan. Ang mga mabibigat na krimen katulad ng panggagahasa, pagpapatay, pangkukulam at iba pa ay pinaparusahan sa pamamagitan ng pagpapatay sa kriminal o pagbabayad ng malaking halaga. Ang mga maliliit na krime katulad ng pagnanakaw. pandaraya, panggugulo at iba pa ay pinaparusahan sa pamamagitan ng paghagupit, pagugupit ng mga daliri, pinapalangyo ng ilang oras, pagbabayad ng maliit na halaga o kaya'y paglalantad sa mga langgam.

Proseso ng Hustisiya
Kung nagkakaaway, ang Datu ang magsisilbing hukom at ang mga nakakatanda ang mga hurado. Ang paglilitis ay ginaganap sa harap ng publiko at mabilis itong natatapos. Ang

5. Bukod sa mga Kastila, sinu-sino pa ang nag impluwnesya sa pamumuhay ng mga Pilipino?-TArin
Tine: The answers are ok, but can we revise the question to: Sinu-sino ang mga nag-impluwensiya sa pamumuhay ng mga sinaunang Pilipino?
Malay:
Bago pa dumating ang mga banyagang galing Europa, ang Pilipinas na ay may nagkaroon na ng relasyon ang Pilipinas at ang mga karatig-bansa nito noon pa man. Ang mga Arabo ang nagdala ng Islam sa "Old Malaysia" at ang mga Malay naman ang nagdala nito sa Pilipinas. Noong 1390, si Raja Baginda na galing sumatra ay dumating sa Sulu. Dito nagsimula ang pagkalat ng relihiyong Islam sa Mindanao at sa Pilipinas.

Tsino:
Ang ekonomiya ng Pilipinas noon ay na impluwensya ng Mga Tsinong pumupunta rito upang mangalakal. Wala silang balak na kolonisahin ang Pilipinas. Ang tanging layunin lamang nila ay kumita.
Maliban sa ekonomiya, natuto rin ang mga naunang Pilipino gumamit ng payong, gong, lead, gunpowder at porselana. Natuto rin ang mga Pilipino ng metalurhiya. Pati na rin ang pananalita ng mga Pilipino ay na impluwensiya ng mga Tsino. Nakalista sa ilalim ang mga halimbawa iba't ibang mga salita na nanggaing sa mga Tsino

Tsino
Tagalog
am-pau
ampaw
a-chi
ate
bah-tu-tai
batutay
bi-hun
bihon
in-kong
ingkong
lun-pia
lumpiya
loh-soa
lusong
pan-sit
pansit
sang-le
sangla
so-si
susi

Indyano:
Marami sa mga salitang Tagalog ay galing sa Sanskrit. Subalit, hindi ibig sabihin nito ay nagkaroon ng relasyon ang mga Pilipino sa Indyano. Maaring dumaan ang Sanskirt sa mga Malay na ang relihiyon ay Hindu at nakatira sa Pilipinas. Nakalista sa ilalim ang mga halimbawa ng mga Sanskrit na salita na hiniram ng mga Pilipino

Sanskrit
Tagalog
ahi
ahas
swamin
asawa
bhaga
bahagi
varta
balita
bhattara
bathala
koti
kati (10,000,000)
dala
dala (net)
hari
hari
lekha
likha
mana
mana
Ang relihiyon rin ng mga Pilipino ay naimpluwensya ng mga Indyano na dinaan muli sa Old Malaysia. Ang halimbawa nito ay ang pag samba ng mga spirito at demonyo.

Additional question: Ano ba ang sibilisado sa mga sinaunang Pilipino? Sa mga Kastila?

OMPREHENSION:

1. Bakit nasabi ng mga Kastila na hindi sibilisado ang mga Pilipino pagdating nila sa bansa?-jade

Tine: Answers are ok, but can we get references to justify our claims? Thanks.
Jade: ahh.. wla kc ako nkita direct na reference na nagsasabi nyan... parang implied lng lhat e... nagagree nman si HOY sa sagot.. hehe

Bago pa dumating ang mga Kastila sa Pilipinas, ang mga sinaunang Pilipino ay meron nang kabihasnan. Sila ay may sariling wika. Marunong na sila bumasa at sumulat. May sariling edukasyon na itinuturo sa kabataan kagaya ng pambibilang. May kaalaman na rin sila sa agham dahil alam na nila ang kahalagahan ng mga dahon. May kabuhayan, gobyerno at relihiyon na rin ang mga sinaunang Pilipino ngunit pinagbintangan pa rin sila ng mga Kastila sa pagiging di-sibilisado dahil hindi sila mga Kristiyano nang dumating ang mga Kastila. Ang kanilang wika ay hindi wikang Espanyol. Ang kanilang pamamaraan at pananamit ay hindi rin kagaya ng mga Kastila. Ang kanilang pisikal na itsura ay hindi tulad ng mga Kastila. Pango ang kanilang ilong at kulay kayumanggi. Mababa ang tingin ng mga Kastila sa kanila dahil iba sila sa mga Kastila. Ito ang dahilan kung bakit sila pinaratangang di-sibilisado.


2. Ano ang naidulot ng “sibilisasyon” sa mga Pilipino? - carmi Tine: can we revise to: Paano nakatulong ang sibilisasyon sa pamumuhay ng mga sinaunang Pilipino?


4. Paano naka-epekto ang pagdating ng mga Kastila sa pagsasabing hindi sibilisado ang mga Pilipino? - carmi
Tine: Can we delete this question bec this is beyond the scope of the module?


Ang pagbabagong naganap pagkatapos sakupin ng mga Kastila ang Pilipinas ay mababanaag sa larangan ng pulitika at buhay lipunan.

Pagbabago sa Sistema ng Pulitika
Mula 1565 hanggang 1821, ang Pilipinas ay pinamahalaan ng Hari ng Espanya sa pamamagitan ng Viceroy ng Mehiko(Department of Education, N.D.). Ang pamahalaang Pilipinas ay nahati sa pamahalaang sentral at pamahalaang lokal sa ilalim ng impluwensiya ng mga Kastila. Una, ang pamahalaang sentral ay may Gobernador Heneral na pinuno ng Royal Audiencia, tumatayong kintawan ng hari ng Espanya sa Pilipinas, tagapangasiwa ng pamahalaang sentral at local sa Pilipinas, pinuno ng hukbong militar at tumatayong vice real patron. Ang bawal kilos at pamamalakad ng Gobernador Heneral ay sinusubaybayan ng Residencia at Visitador. Ikalawa, ang pamahalaang lokal ay nahahati pa sa panlalawigan o Corregidor, panlunsod, pambayan at pambarangay. Samakatwid, nawalan ng karapatan ang mga Pilipino sa kanilang sariling bayan sapagkat diniktahan lamang sila ng mga Kastila(Department of Education, N.D.). Ang masama pa rito, kahit ang mismong pinunong Pilipino ay inabuso rin ang kapwa Pilipino gaya ng ginawa ng mga Kastila. Ang mga kababaihan ay walang karapatang makapag-aral. May mga beateriong itinatag para sa mga anak na babae ng mga mayayaman. Ang kurikulum sa mga beateryong ito ay pagsasanay sa mga kababaihan na maging madrede familia, magluto, gumawa ng mga gawaing pambahay at maglingkod sa simbahan(Department of Education, N.D.).

Pagbabago sa Sistema ng Buhay Lipunan

Simula’t sapul ang mga Kastila ay nahirapan sa pagpapalaganap ng batas at patakaran sa Pilipinas dahil sa pagkakawatak-watak ng ng mga barangay sa iba’t ibang bahagi ng kapuluan. Dahil dito, binago ng mga Kastila ang sistema ng pangkabuhayan sa mga nabuong pueblo kung saan may sapilitang buwis, bandala, polo y servicio, encomienda, at kalakalang Galleon. Nagtayo pa ang mga Kastila ng mga istruktang pang-telekomunikasyon, serbisyo publiko, agrikultura, industriya at pagbabangko sa Pilipinas. Bagamat maraming programang pangkabuhayan ang isinulong ng mga Kastila, hindi naibsan ang paghihirap ng mga katutubo. Bagkus, ang likas na yaman ng bansa ay nalustay at ang mga Pilipino ay patuloy na naghirap(Department of Education, N.D.).



5. Paano ang pamamaraan ng pakikipagusap ang mga Pilipino sa isa't -isa? -tam
Bago pa man dumating ang mga Kastila sa Pilipinas ay marami ng iba't ibang dayuhan ang nakadaan at naka inpluwensya sa ating bansa. Base sa mga artipakto na nadiskubre ng mga archeologist ay naipatunay na mayroon ng lengwahe ang mga Pilipino bago pa dumating ang mga Kastila; isang halimbawa nito ay ang skriptur na nahanap sa Batangas na pinaniniwalaang nagmula pa ng panahong 1200 o 1300. Ito ay ang tinatawag na Baybayin ng Tagalog o ang Alibata. Makikita sa susunod na larawan ang halimbawa ng mga Baybayin na ginamit noong unahan panahon. Mayroong mas lumang skriptur pa nahanap sa Laguna De Bay at tinatawag itong Laguna Copperplate Inscription na naka panahon sa 900 AD pa; ito ay may halong salita ng Sanskrit, Malay, Lumang Javanese at ang sina unang Tagalog.

Baybayin_alpha.jpg



APPLICATION:




1. Paano isasabuhay ng mga Pilipino ang mga positibong epekto ng sibilisasyon sa pangaraw-araw na pamumuhay? (kasama ito sa ppt)

​ Tine: Can we answer this question again, focusing on the pre-colonial period na lang?


-revised
Base sa mga nasabing paraan ng pamumuhay ng Pilipino noon o ang pagiging sibilisado nila, mayroong ilang positibong epekto ito na maaari nating isabuhay sa pangaraw-araw na pamumuhay sa kasalukuyan. Ang ilan sa mga nasabing pagkasibilisado ng mga Pilipino noon na may positibong epekto ay ang pamamaraan sa batas o ang batas na pinaiiral noon at ang pagtinggin sa mga kababaihan.
Noong sinaunang panahon pa man ay mayroon nang pamahalaan na naipapalakad ang mga sinauang Pilipino. At ang masasabing positibo dito ay ang batas na pinaiiral noon ay para talaga sa kaayusan, katiwasayan at kaunlaran ng bayan. Ang pamamaraang ito ay maaari natin gamitin sa kasalukuyang pamumuhay. Nararapat na ibalik ng mga taong nasa pamahalaan ang totoong dahilan ng paggawa ng batas at hindi na aayon sa pansariling kapakanan lamang. Gaya noong sinaunang panahon, maaaring isabuhay ang paggawa ng batas na para sa kaayusan, katiwasayan at kaularan ng bayan.
Ang isa pa sa maaaring maisabuhay at mapanatili ng mga Pilipino sa kasalukuyan ay ang pagbibigay galang sa mga kababaihan. Noong sinaunang panahon ng sibilisasyon sa bansa, ang mga kalalakihan ay nagbibigay galang sa mga kakabaihan at malaki ang respeto nila dito. Ang ganitong pamamaraan ay isang positibong epekto sa pakikisama sa mga kakabaihan na minsan ay nawawala na sa kasalukuyan.


4. Paano nakatulong sa pagtaguyod ng lipunan ang pananalakay ng Kastila sa Pilipinas? Tine


Tine: Revise to: Ano ang pagkakahalintulad ng sinaunang sibilisasyon sa kasalukuyang panahon?


Isa sa mga pinakamalaking impluwensya na naitulong sa atin ng mga Kastila ay ang pagkakaroon ng isang sentralisadong sistema ng pamahalaan. Bago pa dumating ang mga banyaga dito sa Pilipinas, may mga maliliit na komunidad sa iba’t ibang bahagi nito na pinamumunuan ng alinman sa tatlong uri ng indibidwal: 1) puno ng komunidad o datu/sultan; 2) mga mandirigma na maraming naipanalong mga laban at naipagtanggol ang kanilang komunidad; at 3) mga indibidwal na pinaniniwalaang may mga katalinuhang ispiritwal o mahikang taglay. Ito ang dahilan kaya mas madaling napasakop ng mga dayuhan ang ating bansa. (Russell, 2008)
Bukod sa mas maayos na sistema ng pamahalaan, naipakilala rin nila ang stratehiya na tinatawag na reduccion, o ang pagsasama-sama ng mga maliliit na komunidad sa isang mas malaking pook. Dito mas madaling naipatupad ng pamahalaan ang kanilang mga proyekto, at mas naging madali ang pagpapatayo ng mga establisimiyento gaya ng simbahan at paaralan.
Ang mga Kastila rin ang nagpakilala ng Pilipinas sa buong mundo. Mas lumawak ang sakop ng mga bansang nakikipagkalakalan sa atin; gaya ng Amerika at Mexico. Sa pamamagitan din ng galleon na ipinadadala sa Mexico, mas naimulat tayo sa iba’t ibang mga kanluraning produkto gaya ng tela, kape, at iba pang mga pananim. (Steinberg, 2000)




ANALYSIS:

1.2. Paano maihahambing ang kultura at pamumuhay ng mga sinaunang Pilipino sa mga bayan na sibilisado para sa mga Kastila?tam


Ang mga kultura ng sinaunang pilipino ay maihahambing na sa ibang bayan na sibilisado dahil noon pa man, ang mga tribo na naka kalat sa Pilipinas ay nagsimula nang magtayo ng pundasyon ng mga lalawigan-bayan o ang mga tinatawag na barangay, kung saan ang tinatawag ng datu ay namumuno. Ang kultura ng mga pilipino ay naimpluwensyahan ng mga bayang islamico partikular na ang Brunei at iba't ibang lugar ng Borneo. Noong 9th centruy nagkaroon na ng mga heirarchy ang lipunan, ang mga tinatawag na Datuor ay ang mga namumuno, mga Maharlika ang mga nobelista, ang mga Timawa nmn ay ang mga tinatawag na freeman, ang mga umaasang populasyon naman ay nahahati sa dalawa, ang Alipinng namamahay (slave) at ang mga Aliping Saguiguilid (serf). Tulad ng mga bayan na nasabing sibilisado na noong panahong iyon ay makakahambing narin sa kultura at kaayusan ng lipunan sa Pilipinas, kung kaya't masasabi rin na sibilisado na ang mga Pilipino bago pa man dumating ang mga Kastila.

3

. Mas magiging "sibilisado" ba ang Pilipinas kapag hindi tayo na impluwensya ng mga Kastila? Tine: References please. :)


Parati nating sinasabi na ang mga kastila ay masasama at nagdudulot lng ng kahirapan sa ating bansa noon, ngunit may mga positibong epekto ang pag punta nila sa bansang pilipinas. Noong nasa 16th century, ang lipunan at kasaysayan ng Pilipinas ay hindi pa natataguyod ng maayos. Ang kaisahan ng mga ibat ibang barangay at tribo ay hindi makamit ng ating mga ninuno. Noong pagdating ng mga kastila, napag-isa nila ang mga barangay na ito sa isang pamahalaan. Dahil dito, mas nagkaisa sa kultura, pamumuhay at ambisyon para sa lipunan ang mga Pilipino. Maliban sa pag tulong sa ating mga kababayan na magkaisa, isa pang positibong aspeto na naibigay nila sa ating bansa ay ang pag dala ng reliyong katoliko sa ating buhay. Sa ating kasaysayan ngayon. isang malaking bahagi ang relihyon. Dahil sa relihyon, naapekto ang pamumuhay, isip, gawain at ang prioridad ng mga tao sa buhay.

SYNTHESIS:

1. Ano ang masasabing tunay na dahilan sa kung bakit sinakop ng mga Kastila ang sinasabi nila na di umano’y hindi sibilisadong bansa? -Anton

Nang unang dumating ang mga Kastila sa Pilipinas, ang mga indio (katutubong Pilipino) ay mayroon nang iba-ibang antas ng pulitika, magmula sa mga simpleng grupo sa lipunan, sa mga peonage ng utang (mga amo na pinangungutangan ng katulong) at mga proto-feudal na samahan (Tribung Pinoy, n.d.). Dahil sa mga ito, nakita nila na ang lipunan ay dapat hatiin ayon sa feudal system. Dahil walang tamang sistema sa pamumuno, sila mismo ang nagsulong nito. Noon din ay nanampalataya ang mga ninuno sa mga Anito at walang tunay na relihiyon. Masasabing ang tunay na pamantayan ng mga Kastila sa pagsabi na hindi sibilisado ang Pilipinas ay ang kanilang sariling bansa. Nakita nila ito bilang magandang pagkakataon para palawakin ang kanilang pangangalakal sa ibang bansa tulad ng Mexico. Dahil higit na mausbong ang pamumuhay sa kanilang bansa, lalo na sa edukasyon at pamumuhay, ginamit nila itong dahtiilan para sakupin ang Pilipinas.
2. Paano masasabi na makakatulong ang pananakop ng bansa para matugunan ang sibilisasyon nito? -Anton
Tine: Focus na lang tyao sa pre-colonial period

Ang pananakop ng mga Kastila ay nag-iwan ng dalawang malaking bahagi sa ating lipunan: ang halos kabuuang paglipat ng mamamayan sa relihiyong Katoliko at ang paglikha ng mga elite o natatangi sa lipunan (Weir, n.d.). Dahil dito, nagkaroon ng kapangyarihan ang tao na mamuno, ang datu bilang isang halimbawa. Sila ay binigyan ng mga barangay na kanilang pamumunuan, at nagmana ng kanilang sariling lupa. Nagkaroon rin ng sistema ng mga batas na ipinapatupad. Ito ang naging simula ng pag-usbong ng mga grupo sa lipunan na masasabing sibilisado. Ang lahi na mestizo ay kumalat, at sila ay binigyan ng sapat na kaalaman at tamang kayamanan para makatatag ng maayos na kinabukasan. Ang relihiyon ang pinakamalaking nabahagi ng Kastila sa atin kahit pa hindi ito napalaganap sa mga lugar, lalo na sa Mindanao. Dahil dito, nagkaroon tayo ng sapat na haligi sa pamumuhay. Ang relihiyon ang maghuhubog sa pagkatao ng mamamayan, maging ano man ito. Dito nabibigyan ng magandang halimbawa ang bawat tao kung ano ang susundin para sila ay mabuhay ng maayos at mapayapa. Kahit pa man tayo ay higit na pinagsamantalahan ng mga nanakop sa ating bansa, nakatulong rin ito sa ating pamumuhay at sibilisasyon. Ito rin ang nagbukas ng isipan ng marami sa ating mga kababayan na ating kinikilala na bayani, dahil dito nila nakita paano ipaglaban ang sarili at ang bayan. Dito natin natutunan mahalin ang bayan, at ito ay ang nagbibigay dahilan sa pagbibigay importansya sa ating kalayaan.
3. Paano maipapakita o mapapatunayan ng mga mamamayang Pilipino na sila ay sibilisado? Tine
Sa panahon ngayon, masasabi nang sibilisado ang mga Pilipino dahil kabilang ito sa isang maayos na sistema ng pamahalaan, lipunan, at teknolohiya. Naoobserba lang naming na mayroong suliranin sa pagdevelop ng bansa. Ngunit ang isang mahalagang malaman dito ay may ilan pa ring mga komunidad na namumuhay sa katutubong sistema pa rin hanggang sa kasalukuyan. Sa kabila nito, mayroon pa rin silang maayos na sistema ng pamumuhay sa kanilang komunidad; sa kaamaang palad ang Kanluraning persepsyon ng sibilisasyon ay halos nakasalalay sa teknolohiya lamang.
Upang maipakita o mapatunayan ng mga Pilipino na sila ay sibilisado, ang pinakaimportanteng salik ay ang pagkakaroon ng disiplina upang maipatakbo nang maayos ang anumang sistemang kinapapalooban natin. Maganda na sumunod tayo sa mga batas, halimbawa na lamang sa batas trapiko. Dito natin mapapatunayan na talagang epektibo o maayos ang sistema na meron tayo. Maaari ring gumawa ng mga inisiyatibo na siyang magpapaganda ng komunidad na ating ginagalawan. Halimbawa, bumoto para sa kinabukasan n gating bayan. Sa pamamagitan nito, nakatutulong tayo sa ikabubuti ng ating bansa, na siya ring isang patunay ng pagiging isang sibilisadong bansa.


EVALUATION:

1. Hindi ba talaga sibilisado ang mga Pilipino bago dumating ang mga Kastila, o stratehiya lamang ito ng mga Kastila upang mapababa ang moral ng mga Pilipino? Tine



Maraming mga patunay na sa isang degree, sibilisado na rin ang mga Pilipino mula pa noong dumating ang mga Kastila sa ating bansa. May mga teknolohiya na ring ginagamit ang mga katutubo natin noon, at mapapnsing nagamit nila nang mabuti ang ating mga likas na yaman noon. Ang tanging kahinaan lamang ng mga Pilipino noon ay hindi nila alam na may mas malaking lipunan silang ginagalawan, at hindi nila ito napagbuklod. Ito ang naging dahilan kung bakit mas madaling nasakop ng mga Kastila ang mga Pilipino.
Ilan sa mga patunay ng pagiging sibilisado ng mga Pilipino ay ang kanilang mga nagagawa na o mga nakamit bago pa dumating ang mga Kastila (Wikipedia, n.d.):

· Agrikultura – naisulat ni Miguel Lopez de Legaspi, ang unang Gobernador – Heneral ng Pilipinas, ang kasagahan ng mga pananim sa bansa gaya ng bigas, alak at maging ng mga hayop gaya ng kambing, baboy ramo, at kalabaw. Ang pagpapalaki ng mga itik ay isa na rin sa mga pangkabuhayan ng mga sinaunang Pilipino; at ang metolohiyang ito ay sinasagaw hanggang sa kasalukuyan. Sa hilagang bahagi naman ng bansa ay mayroong sistema ng irigasyon at patubig sa mga palay, at isa na rito ang tanyag na Banaue Rice Terraces.
· Pakikipagdigma – may mga ebidensiya na rin ng mga panday pira sa Pampanga, o siyang mga gumagawa ng mga armas gawa sa metal. Bukod dito, guamit din ang mga sinaunang Pilipino ng arquebeses, o mga maliliit na kanyong gawa sa tanso. Ang mga mas malalaking kanyo ay gawa sa bakal. Lingid sa kaalaman ng marami, may mga baril na rin an gating mga kababayan noon. Ang pinakamagandang armas noong panahong iyon ay ang lantaka, na pinahihintulutan ang gumagamit nito na ma-track ang target nito. Mayroon din silang armas na halintulad sa isang yoyo, kung saan bumabalik ang armas sa may-ari nito matapos gamitin sa kalaban.
· Edukasyon at sistema ng pagsulat – noong 300 B.C. nagawa ng mga sinaunang Pilipino na gumawa ng sarili nilang sistema ng pagsulat, na halaw sa sulat ng sinaunang India. Ang Baybayin ang pinakakilalang sistema ng pagsulat ng mga Pilipino noong 11A.D.
· Maritime Clture and Aquaculture – kilala ang mga snaunang Pilipino na magaling sa direksyon dahil sila ay mga ninuno ng Austronesian galing sa mainland China. Gumagamit sila ng kompas para mahanap nila ang kanilang destinasyon, ngunit minsan ay hindi na talaga nila ito kailangan. Katunayan, ilan sa mga mangingisda at mangangalakal sa Visayas, Mindanao, Palawan, at Sulu ay may kakayahan pa ring tuntunin ang mga malalayong destinasyon sa karagatan nang hindi gumagamit ng kahit anong kagamitan. Kilala rin ang mga sinaunang Pilipino sa paggawa ng matitibay na barkong karakao o korkoa, na siyang ginamit din ng mga Kastila upang supilin ang tangkang pagsakop ng mga Ingles sa bansa.
Nakita rin ng mga historians ang kakayahan ng mga katutubong Pilipino na makipagkalakalan sa mga dayuhang bansa; at ginamit nila ang karagatan upang makarating sa mga lupaing ito. Nakita na ang mga kagamitan ng ating mga ninuno ay nadala sila hanggang sa Maldives at sa Japan.
Sa pangingisda naman, gumamit ang mga Pilipino noon ng salambao, isang uri ng balsa na ginagamitan ng isang malaking lambat na ibinababa sa tubig upang makahuli ng isda. Ang pangingisda naman sa gabi ay ginagamitan ng mga kandila na gawa sa resin halintulad sa sa copal ng Mexico.

· Pagmimina at pagdisenyo ng alahas – Nagsimula ang pagmimina sa Pilipinas noong 1000 B.C; kung saan ang mga unang namina ay ginto, pilak, copper, at iron. Ang mga alahas naman ay nakaugaliang ipasa ng mga magulang sa kanilang mga anak, at ito ay pinagpapatuloy sa ilang henerasyon. Ayon sa isa sa mga sinulat ni Antonio Pigafetta, isa sa mga iskolar na kasama ni Ferdinand Magellan sa kanyang ekspedisyon sa bansa; ang mga mamamayan ng Mindoro ay may kakayahang maghalo ng ginto at iba pang metal at pagmukhain itong natural at perpekto. Katunayan, kahit ang mga pinakamagaling na inspektor ng alahas ay naloloko nito.

3. Gaano kalaki ang naging impluwensya ng mga Kastila sa paraan ng pamumuhay ng Pilipino? Nakasama ba ito o nakabuti? - jade


Masasabing malaki ang naging impluwensya ng mga Kastila sa pamamaraan ng pamumuhay ng mga Pilipino dahil hanggang sa kasalukuyan ay pinaniniwalaan natin si Kristo. Ang pinakamalaking impluwensya na naidulot ng mga Kastila sa mga Pilipino ay ang Kristiyanismo. Ang mga Kastila ang nagpakilala ng Kristiyanismo sa mga Pilipino, na hangang ngayon ay pinaniniwalaan ng nakararami. Ang pamumuhay ng nakararami sa atin ngayon ay umiikot sa turo ng simbahang Katoliko. Masasabing malaki ang pasasalamat natin sa mga Kastila dahil sa ating relihiyon. Matibay ang paniniwala ng mga Pilipino sa Kristiyanismo. Ito ay mapapatunayan sa aspekto ng pagpapakasal. Ipinagbabawal ng simbahan ang diborsiyo at ang Pilipinas ay isa sa kaunting bansa na ipinagbabawal ang diborsiyo. Masasabing may kabutihan ang pananakop ng mga Kastila sa Pilipinas sa aspekto ng relihiyon.



Comments: (Please leave your comments here with your name.)
1. (comment deleted)

Helpful sources:

Department of Education. (N.D.). Ang Pagbabagong Dulot ng Kolonisasyon. Retrieved February 12, 2010, from Project Ease: http://www.bse.portal.ph/download/EASE%20MODULES/Araling%20Panlipunan/AP%20I/MODYUL%207%20PAGBABAGONG%20DULOT%20NG%20KOLONISASYON.pdf

Lim, R. S. (2009, August 21). 'Noli' and 'Fili': Still Relevant after all these years. Manila Bulletin .

N.A. (N.D.). A Multimedia Presentation of Batayang Aklat sa Heograpiya, Kasaysayan at Sibika.

Robles, C. &. (N.D.). Chapter 1: Effect and Application of Laws. Retrieved January 24, 2010, from Chan Robles Virtual Law Library: http://www.chanrobles.com/civilcodeofthephilippines1.htm
Royeca, J. (2009, December 14). Education: Rizal's Supreme Aspiration. Retrieved January 24, 2010, from Philippine Studies: http://emanila.com/philippines/2009/10/14/education-rizal%e2%80%99s-supreme-aspiration/#more-121
Russell, S. (2008). Christianity in the Philippines. Retrieved February 13, 2010, from Center for Southeast Asian Studies - Nothern Illinois University : http://www.seasite.niu.edu/crossroads/russell/christianity.htm
Steinberg, D. J. (2000). The Philippines: A Singular and a Plural Place . USA : Westview Press.
Wikipedia. (n.d.). Cultural achievements of pre-colonial Philippines. Retrieved February 13, 2010, from Wikipedia: http://en.wikipedia.org/wiki/Cultural_achievements_of_pre-colonial_Philippines